Bus inspector, pinabulagta

(Kidapawan City, Philippines) – Patay ang isang inspector ng Weena Bus Company makaraang pagbabarilin sa Natio­nal Highway ng Brgy. Balindog, Kidapawan City kahapon.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Arturo Valdivieso, at residente ng Toril, Davao City.

Limang tama ng bala ang tumapos sa buhay ng nasabing biktima mula sa hindi pa mabatid na uri naarmas.

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente upang mabatid ang motibo sa nasabing krimen. (Rhoderick Beñez)

Show comments