Mister napagtripang patayin ng tandem

CAMARINES NORTE, Philippines – Pinaniniwalaang napagtripang ratratin hanggang sa mapatay ang isang mister ng riding-in-tandem assassins sa panibagong karahasang naganap sa bisinidad ng Barangay Belen, bayan ng Calabanga, Camarines Sur kamaka­lawa ng gabi. Walong tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Esmundo Amasola ng nabanggit na barangay. Lumitaw sa pagsisiyasat na kababa lamang sa traysikel ang biktima mula sa Barangay Poblacion nang pagbabarilin. Nadamay naman sa pamamaril ang bata na si Julia Buenaventura  na tinamaan sa tiyan at sinasabing bitbit ng kanyang ina habang nakasakay sa traysikel.

Show comments