Mister kinalasan ng misis, nagbigti

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Dinamdam ng 37-anyos na mister ang pakikipaghiwalay sa kanya ng sariling misis kaya nagdesisyon itong magbigti sa bahay ng kanyang utol sa Barangay Busing, bayan ng San Pascual, Masbate kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Norman Ricablanca na bumisita sa kanyang utol para magpalipas ng gabi. Dahil sa hindi makatulog sa kakaisip sa kanyang misis ay nagdesisyon itong magpasalubong kay kamatayan sa kuwarto ng kanyang utol.

Show comments