3 arestado sa drug den

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao na pinaniniwalaang courier ng droga ang nasakote sa isinagawang pagsalakay sa tinaguriang drug den sa Barangay Tallungan, bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Mina Domingo, hepe ng Aparri PNP ang mga suspek na sina Dominic Wayacan, 24; Jayson Padamada, 24; at si John Dave Loreto, 26, mga couriers ni Danilo “Pilong” Loreto na sinasabing maintainer ng drug den.? Sina­lakay ng mga operatiba ng pulisya ang nasabing lugar makaraang magpalabas ng search warrant si Aparri RTC Judge Conrado Tabaco ng Aparri Regional Trial Court.? Nasamsam sa mga suspek ang 11 plastic sachets ng shabu, drug paraphernalias at P2,100 cash. Pinagha­hanap naman ng pulisya ang may-ari ng drug den na si Loreto.

Show comments