^

Probinsiya

Onsehan sa droga: 4 minasaker

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang isa sa motibo kaya apat-katao ang napatay matapos ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa naganap na masaker sa Barangay St. Peter 1, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga napatay ay sina Jayson Legaspi, 27; Renante “Spider” Bulatao, 45, ng Blk 1 Lot 12 sa Barangay San Isidro Labrador 2; Marjorie “Nica”  Ellaso, 21, dalaga, ng Blk D9 Lot 6 sa Brgy. San Luis 2 at isa pang babae na hindi nakilala.

Sa police report na isinumite kay P/Supt. Carlos Barde, hepe ng Dasmariñas City PNP, bandang alas-11 ng gabi nang umalingaw­ngaw ang serye ng putok ng baril mula sa bahay ni Legaspi sa Block 5 Lot 1 sa nasabing barangay.

Kahit sugatan ay nagawang tumakbo ni Legaspi palabas ng bahay pero hinabol pa rin ito at pinutukan ng isa pang gunman na nakamotorsiklo.

Napag-alamang lulan ng motorsiklo ang gunmen kung saan ang isa ay nakaantabay sa labas bilang lookout habang ang isa ay pumasok at namaril sa bahay na pag-aari ni Legaspi  at isa naman ang sakay ng motorbike.

Sinasabing nadamay na lamang ang tatlo sa atraso ni Legaspi na nakikipagkuwentuhan sa naganap na pamamaril.

Ayon pa sa ulat, dating asset ng pulisya si Legaspi pero sinibak matapos masangkot sa bentahan ng bawal na droga kung saan sinasabing may P.250 mil­yong utang ito sa sindikato ng droga na hindi nai-remit.

Inamin naman ng ina ni Legaspi na gumagamit ng bawal na droga ang kanyang anak.

Narekober sa crime scene ang basyo ng bala ng cal. 45 pistol at ilang drug pharaphernalias habang patuloy naman ang imbestigasyon. Dagdag ulat ng ABS-CBN News Service

BARANGAY SAN ISIDRO LABRADOR

BARANGAY ST. PETER

CARLOS BARDE

DASMARI

JAYSON LEGASPI

LEGASPI

NEWS SERVICE

SAN LUIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with