Binata nagbigti sa tutong

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Isang 25-anyos na binata ang nagbigti matapos magtampo nang tutong na kanin na lamang ang abutan sa kaldero sa hapunan sa kanilang tahanan sa Brgy. Salvacion, Iriga City kahapon ng umaga. Kinilala ang nasawi na si Abundue Bermudez, 27, binata, walang hanap­buhay at residente sa lugar.  Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga nang matagpuan ng kanyang ina ang nakabigting bangkay ng anak sa loob ng kanilang tahanan. Ayon sa salaysay ng ina ng biktima, dakong alas-11 ng gabi ay umuwi ang anak na gutom na gutom pero nagtampo ito nang abutan ay tutong na kanin sa kaldero at wala pang ulam. Nakatakdang isailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima.

Show comments