Ambush: 1 dedo, 6 sugatan

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Napaslang ang isang kawani ng minahan habang anim naman ang nasugatan matapos tambangan ng mga di-kilalang lalaki sa bayan ng Quezon, Nueva Vizcaya kamakalawa ng hapon. Kinilala ang napatay na si Jericho Pastor, kawani ng FCF mining company na nakabase sa nasabing bayan at nakatira sa Barangay Roxas, bayan ng Solano. Sugatan naman sina  ex-SPO4 Noel Valdez, Venir Viloria, Emilio Tabares, Joseph Casison, Roderick Petines, at si Randy Soriano na pawang miyembro ng safety security consultant ng nasabing minahan. Naganap ang pananambang bandang alas-4:35 ng hapon habang ang mga biktima ay lulan ng Starex van (BES 462) na minamaneho ni Valdez sa kahabaan ng highway. Patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments