Suspek sa pagpatay sa treasurer, tiklo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Bumagsak sa kamay ng batas ang pangunahing suspek sa pagpatay sa municipal treasurer sa bayan ng Jones noong nakalipas na buwan matapos itong masakote ng mga operatiba ng pulisya sa kahabaan ng Airport Road sa Barangay San Fermin, Cauayan City kamakalawa ng gabi. ?

Sa pahayag ni P/Senior Supt. Sotero Ramos Jr. na inaasahang lulutang ang mastermind sa pagpatay sa biktimang si Treasurer Mario Duerme ng bayan ng Jones matapos madakma ang suspek na si Raxon Del Carmen, 31, ng San Lorenzo Village, Marabulig Uno sa Cauayan City, Isabela.  ?

Nabatid pa na si Del Carmen ang tinukoy ng mga saksi na rumatrat sa biktima habang ito ay pauwi sa Santiago City lulan ng kotse.

Ang pagkakadakip sa suspek ay may kaukulang pabuya na P.2 milyon na ini­alok ni Governor Faustino Dy III. ?

Pinapurihan naman ng gobernador ang Task Group Duerme na binuo ni Cagayan Valley PNP director P/Chief Supt. Miguel Laurel sa pagkakadakip ng suspek.

Show comments