3 sugatan sa bus vs trak sa La Union

MANILA, Philippines – Tatlo ang sugatan matapos salpukin ng isang pampasaherong bus ang cargo truck sa lalawigan ng La Union ngayong Huwebes.

Ayon sa pangunang imbestigasyon ng mga pulis, umaatras ang cargo truck sa kahaaban ng national highway na sakop ng Barangay Urbiztondo sa bayan ng San Juan nang salpukin ito ng Farinas bus na may 25 kataong sakay.

Isinugod kaagad sa ospital ang mga nasaktang pasahero.

Patungo sanang Maynila ang bus nang mangyari ang aksidente.

Show comments