Suspek sa pagpatay sa ina ni Cherry Pie tiklo sa Laguna

MANILA, Philippines - Nadakip na ngayong Miyerkules ang suspek sa pagpatay sa ina ng batikang aktres na si Cherry Pie Picache.

Nakilala ang suspek na si Michael Flores, 29, na nasakote sa Sta. Rosa City Lagun.

Kay Flores umano ang duguang shorts na natagpuan sa loob ng bahay ng 75-gulang na ina ng aktres na si Zenaida Sison nang patayin ito noong Setyembre 19 sa kanilang bahay sa lungsod ng Quezon.

Pinagsasasasak si Sison hanggang mamatay ng mga suspek na tumakas dala ang P500,000 halaga ng alahas at hindi tinukoy na halaga ng pera.

Show comments