MANILA, Philippines - Timbog ang dalawang babae sa lungsod ng Iloilo sa isang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kagabi.
Aabot sa P3 milyon ang halaga ng nasabat na ilegal na droga sa mga suspek na nakilalang sina Analyn Cabrobias at Ana Rocel Pareño na kapwa residente ng Antique.
Nasakote ang dalawa matapos pagbentahan ang isang undercover agent ng P1,500 shabu sa loob ng Queen's Court Drive Inn Motel sa Barangay Bolilao Mandurriao bandang 7:30 p.m.
Nasa kalahating kilo ng shabu na mula pa sa lungsod ng Muntinlupa ang nabawi sa mga suspek, ayon sa PDEA.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad sina Cabrobias at Pareño.