Aso aksidenteng naboga ang amo sa Cotabato

MANILA, Philippines – Patay ang isang magsasaka matapos aksidenteng matalunan ng isang aso ang kargadong shotgun sa South Cotabato nitong kamakalawa.

Nakilala ang biktimang si Danih Afwan Safi, 45, na nagtamo ng tama ng bala sa katawan dahilan upang masawi ang magsasaka.

Ayon sa mga imbestigador, nagulat ang aso sa mga dumating na bisita ng biktima kaya napalundag ito sa lamesa kung saan nakapatong ang shotgun ni Safi.

Naapakan ng aso ang gatilyo ng nakakasang baril kaya naman pumutok ito at tumama sa biktima.

Sinubukan pang dalhin sa ospital si Safi ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

Show comments