Army corporal, pinabulagta

NORTH COTABATO, Philippines – Bulagta ang isang Army corporal matapos itong ratratin ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bahagi ng Barangay Dapiawan, bayan ng Datu Piang, Maguindanao kahapon. Kinilala ang biktima na si Corporal Macapeges Mamangcua ng 33rd Infantry Battalion ng Phil. Army. Sinasabing bumibili lamang ng prutas sa bangketa ang biktima nang lapitan at ratratin. Tinangay pa ng gunmen ang  pitaka, ilang personal na gamit at motorsiklo ng biktima. Ayon pa kay 33d IB Commander Col. Marton Abo, si Mamangcua ay ikatlong sundalo na ng 6th Infantry Division ang napatay  ngayong linggo lamang sa nasabing lugar. Una ng naghayag ni Abu Maisri Mama, spokesman ng BIFF na hindi sila titigil sa pambubulabog hangga’t nasa lugar ng mga Moro ang mga Sundalo.

Show comments