NORTH COTABATO, Philippines - Hindi na nirespeto ng riding–in-tandem assasins ang kasagraduhan ng simbahan makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang dalawang sundalo kahapon ng umaga sa Barangay Poblacion, bayan ng Datu Piang, Maguindanao.
Sa ulat ni P/Inps. Ronald Cuntong, hepe ng Datu Piang PNP, kinilala ang mga biktima na sina Pfc. Rex Limpahan at Pfc. Edward Baes na kapwa nakatalaga sa 62nd Division Reconnaisssance Company na nakabase sa Barangay Damablas.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, palabas ng simbahan ang mga biktima matapos na magtirik at magsindi ng kandila nang lapitan at ratratin ng tandem gunmen.
Napag-alamang sinamahan lamang ni Pfc. Baes si Pfc. Lampihan na nagdiriwang ng kanyang ika-23rd kaarawan.
“Walang kalaban-laban ang dalawa dahil sa naka- atheletic attire lamang ang sout at walang bitbit na baril,” pahayag ni Col. Dickson Hermoso, 6th Infantry Divison spokesman.
Kinokondena ng pamunuan ng Phil. Army ang ginawang pagpaslang sa mga bagitong sundalo.
Pinaniniwalaang mga teroristang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang nasa likod ng pamamaslang.