3 bulagta sa shootout

OLONGAPO CITY, Philippines – Tatlo-katao na sinasabing notoryus drug pushers ang napatay matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa inilatag na operasyon sa Barangay Calapacuan, bayan ng Subic, Zambales kahapon ng umaga. Kabilang sa napatay ay ang most wanted na si Jun Jun Jakaria na nasa talaan ng pulisya at ang dalawa nitong tauhan na kinilala lamang sa mga alyas Tuklaw. Sa ulat ni P/Chief Insp. Oriano Mina, isisilbi sana ang search warrant sa bahay nina Jessica “Anna” Taralus at Abdul “Manong” Abdurasib nang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng grupo ni Jakaria at pangkat ng pulisya. Nasamsam sa bahay nina Taralus at Abdurasib ang tatlong baril, airgun, ibat ibang bala ng baril, weighing scale, at 14-piraso ng plastic sachet ng shabu.

Show comments