Nigerian natagpuang nakabigti

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang Nigerian ang kanyang buhay matapos na mag-suicide sa Brgy., Malbug, Cawayan, Masbate nitong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 5, kinilala ang nasawing biktima na si Brandon John Lee.

Bandang alas-5 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima na nakabigti gamit ang pinulupot na kumot sa loob ng tinutuluyan nitong bahay na pag-aari  ni Fabiola Dalanon sa nasabing lugar.

Ang insidente ay ini-report sa pulisya  ng brgy. chairman sa lugar matapos na madiskubre ang pagpapakamatay ng biktima.

 Bago ito, ilang araw na nakitang tulala ang biktima na tila may malalim na iniisip.

 Pinaniniwalaan namang matinding depresyon ang sanhi ng pagpapakamatay ng biktima habang patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito. (Joy Cantos)

 

Show comments