Obrero nalibing nang buhay
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Patay ang isang 39- anyos na obrero habang kritikal naman ang dalawa nitong kasamahan matapos silang matabunan ng gumuhong lupa sa kanilang construction site sa Siudad Grande, Bakakeng, Baguio City, kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si James Bayya, tubong Bacolod City at residente ng Luis Village sa nasabing lungsod samantalang naisugod naman sa Baguio General Hospital and Medical Center ang mga karpinterong sina Ruben Tulio, 34, ng Concepcion, Tarlac at Joshua Tadeus Fabros, 17, ng Sta. Maria, Pangasinan.
Lumalabas sa imbestigasyon na naghuhukay ng butas para sa pundasyon ng ginagawang gusali ang mga biktima nang bumigay ang lupa sa itaas ng bundok na nasa kanilang tabi at matabunan sila.
- Latest