Bus vs tanker truck: 1 patay, 22 pa sugatan

MANILA, Philippines - Isa katao ang nasawi habang 22 pa ang nasugatan makaraang magbanggaan ang isang mini bus at isang tanker truck sa lalawigan ng Bataan nitong Biyernes.

Kinilala ang nasawi na si Alex Moncal, driver ng tanker truck.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga nasugatang biktima kabilang ang driver ng bus na si Ronnie Laureto; na nasa kritikal na kondisyon at iba pa.

Sa inisyal na ulat ng report ng Bataan Police, naganap ang sakuna sa kahabaan ng KM 240 Roman highway, Brgy. Lamao, Limay, Bataan dakong alas-6:35 ng umaga.

Nabatid na katatapos lamang magsakay ng mga pasahero na manggagawa ng isang lokal na kompanya ng mangyari ang banggaan. Patuloy naman ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa kasong ito.

Show comments