Mag-asawang trader niratrat ng tandem

BULACAN, Philippines - Bulagta ang 56-anyos na trader habang malubha naman ang misis nito matapos na ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Minuyan Proper, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Tatlong tama ng bala ang tumapos sa buhay ni Gregorio Borja Jr., contructor habang isang tama ng bala na tumama sa likurang bahagi sa ka-live-in nitong si Lilibeth Francisco, 54, mga residente ng Quarry Site sa nasa­bing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ricarte Gallos, magsasara na ng tindahan ang mag-asawa nang lapitan at pagbabarilin ng tandem. Wala namang kinuhang ari-arian at pera ng mga biktima habang sinisilip ng pulisya ang anggulong love triangle at negosyo ang motibo sa pamamaril.

Show comments