MANILA, Philippines - Ginawang human shield ng dalawang armadong lalaki ang dalawang estudyante sa lalawigan ng Bulacan ngayong Martes ng umaga.
Ayon sa ulat sa radyo, dinukot ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang isang Grade 6 at isang 3rd year highschool na estudyante ng Barangay Minuyan sa bayan ng San Jose del Monte matapos silang mangholdap.
Ginawang human shield ng mga suspek ang mga biktima upang hindi madakip ng mga awtoridad.
Sa ngayon ay hawak pa rin ng mga suspek ang mga biktima habang kinukumbinsi sila ng mga pulis na sumuko.