^

Probinsiya

4 negosyante itinumba sa KTV

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines -  Apat na negosyante ang napatay habang dalawa naman ang sugatan matapos na pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa KTV bar sa Barangay San Juan, bayan ng Mabini, Batangas noong Linggo ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Inspector Rosell Encarnacion, Mabini police chief ang mga napatay na sina Jonathan Tolosa, Cesar Manalo, Isco Ramos, at si Miguel Aldovino na pawang nakatira sa Barangay Sta. Maria, bayan ng Bauan, Batangas at may mga negosyong buy and sell ng scrap materials.

Sugatan naman sina Marlon Orsaal, 41; at Rea Bernales, 19, na mga nakatira rin sa Barangay Sta Maria, Bauan, Batangas at kasalukuyang ginagamot sa Mabini General Hospital.

Base sa police report, katatapos lang maghapunan ang mga biktima at nanonood ng telebisyon sa KTV bar and restaurant nang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki bandang alas-10 ng gabi.

Kaagad na namatay sina Tolosa, Manalo, at Ramos habang namatay naman habang ginagamot sa nasabing ospital si Aldovino.

Ayon sa mga nakasaksi sa pamamril, tumakas ang gunmen sakay ng puting Toyota Corolla at sumibad patungo sa bayan ng Bauan. 

Narekober sa crime scene ang 40 basyo ng bala ang M-16 rifle at Carbine rifle.

Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya na awayan sa negosyong scrap ang pinaniniwalaang motibo sa pamamaslang.

 

BARANGAY SAN JUAN

BARANGAY STA

BARANGAY STA MARIA

BATANGAS

BAUAN

CESAR MANALO

CHIEF INSPECTOR ROSELL ENCARNACION

ISCO RAMOS

JONATHAN TOLOSA

MABINI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with