^

Probinsiya

2 NPA rebels patay sa encounter

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang matapos makasagupa ang tropa ng mga sundalo sa kabundukan ng Brgy. Hinapuyan, Carmen, Surigao del Sur nitong Biyernes.

Ayon kay Captain Christian Uy, Spokesman ng Army’s 4th Infantry Division, dakong alas-9:15 ng umaga ng masabat ng mga tauhan ng Army’s 36th Infantry Battalion (IB)ang grupo ng mga armadong rebelde sa nasabing lugar.

Bago ito ay nakatanggap ng report ang tropa ni 36th IB Commander Lt. Col. Anastacio Suaybaguio hinggil sa pangingikil ng revolutionary tax ng mga  miyembro ng NPA Guerilla Front  30 ng North Eastern Mindanao na aktibong kumikilos sa mga bayan ng Carmen, Madrid at Cantilan; pawang sa Surigao del Sur.

Ang palitan ng putok ay tumagal ng mahigit 10 minuto na ikinasawi ng dalawang rebelde na kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan. Wala namang naiulat na nasawi at nasugatan sa panig ng militar sa natu­rang bakbakan.

Narekober sa lugar ang isang AK-47 rifle at isang M16 rifle na gamit ng mga nasawing rebelde, mga personal na kagamitan, mga bala at mga subersibong dokumento. (Joy Cantos)

 

ANASTACIO SUAYBAGUIO

CAPTAIN CHRISTIAN UY

COMMANDER LT

GUERILLA FRONT

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

NORTH EASTERN MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with