Misis kritikal sa saksak ni mister

MANILA, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 34-anyos na misis matapos na pagsasaksakin ng selosong mister sa kanilang bahay sa Barangay Upper Calarian, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur kamakalawa. Naisugod sa Brent Hospital ang biktimang si Junelane Palco habang nasakote naman ang suspek na si Romeo Palco, 41, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Lumilitaw sa imbestigasyon na narinig ng mga kapitbahay na nagtatalo ang mag-asawa hanggang sa maganap ang pananaksak. Bandang alas-5 ng hapon. Ilang oras naman matapos na makulong ay pinalaya ng pulisya ang suspek dahil hindi interesado ang biktima na kasuhan ang kaniyang asawa. 

Show comments