5 arestado sa P9-M shabu

MANILA, Philippines – Lima-katao na sinasabing notoryus na mga drug pusher ang nasakote ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency makaraang makumpiskahan ng P9 milyong halaga ng shabu sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Central Poblacion, bayan ng Kalilangan, Bukidnon.

Sa ulat kahapon, kabilang sa mga kinasuhang suspek ay sina Marlon Arenal, 39; Wilbert Pacion, 34; Eugene Pasabilla, 35; Junaid Mondas, 22; at si Baguinda Carim, 29; pawang nakatira sa Lanao del Sur.

Sa ulat na nakarating kay PDEA Director Ge­neral Undersecretary Arturo Cacdac Jr., nagpanggap na poseur buyer ang isang tauhan ng PDEA sa mga suspek sa Purok 2 kaya nadiskubre ang kanilang modus operandi.

Nasamsam sa mga suspek ang isang kilong shabu na may street value na P9,045,000. 

Show comments