2 todas sa road mishap

BULACAN, Philippines – Dalawa-katao ang namatay habang apat naman ang malubhang nasugatan matapos na mabangga ang kanilang sasakyan sa nakaparadang traysikel sa kahabaan ng highway sa Brgy. Sapang Putol, bayan ng San Ildefonso, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Namatay habang ginagamot sa Dr. R. Galvez Medical Center ang mga biktimang sina Kevin Sindac, 20, ng Brgy. San Juan; at Michael Jordan Bade, 21, habang ginagamot naman ang mga sugatang sina Renier Velilla, 22; Ivan Santos, 21; Alvin Sagum, 26; at si Richard Catacutan, 24, mga nakatira sa Barangay San Juan.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Angel Garcillano, pauwi na ang mga biktimang mula sa inuman nang salpukin ng kanilang Izusu Crosswind (XTF-544) ang nakaparadang traysikel sa gilid ng Cagayan Valley Road sa Barangay Sapang Putol.

Sinalpok din ng SUV ang poste ng gasolinahan kaya nawasak ang kanilang sasakyan. 

Show comments