Kinatay sa pambabastos

CAMARINES NORTE, Philippines – Napaslang ang 34-anyos na lalaki na sinasabing nambastos ng babae matapos itong  pagtatagain ng kanyang kainuman sa Barangay Belen, bayan ng Calabanga, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktimang si John David ng Barangay Paolbo habang nasakote naman ang suspek na si Melvin Argayoso, 38,ng nabanggit na barangay. Sa police report, lumilitaw na pansamantalang iniwan ng biktima ang suspek at ilang kainuman para jumigle. Gayon pa man, habang nagbabawas ay namataan ng biktima ang anak na dalaga ng suspek kung saan sinasabing binastos ng una. Nagsumbong naman ang dalaga sa kanyang ama kaya kinompronta nito ang biktima hanggang sa maganap ang pamamaslang. 

Show comments