4 bagets utas sa flashflood, kidlat

MANILA, Philippines – Apat na tinedyer ang iniulat na namatay sa flashflood at kidlat dulot ng malakas na ulan sa Cebu  kahapon ng hapon. Sa ulat ni Joy Hernandez, Staff duty officer ng Office of Civil Defense (OCD) 7, tatlo sa mga biktima ay nalunod sa umapaw na tubig-baha na rumagasa mula sa ilog sa bayan ng Argao, Cebu. Kabilang sa namatay ay sina Richel Ann Paraje, 15; Caroline Marson, 15; Earv Kyle Sardido, 13; at si William Cabijan 16, ng Barangay Guadalupe, Cebu City. Sa imbestigasyon, lumilitaw na sina Paraje, Marson at Sardido ay papauwing tumatawid sa spillway ng Barangay Calagasan mula sa eskwelahan nang tangayin ng tubig baha bandang alas-3:20 ng hapon. Samantala, si Cabijan ay tinamaan naman ng kidlat sa nasabing barangay kung saan naisugod pa ito sa Vicente Sotto Memorial Medical Center pero idineklarang patay.

Show comments