Magka-live-in kinatay

BULACAN, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng magka-live-in matapos pagtulungang saksakin ng mga di-kila­lang lalaki may ilang metro lamang ang layo sa kanilang bahay sa ilalim ng tulay sa North Luzon Expressway sa Barangay Dulong Malabon, bayan ng Pulilan, Bulacan kamakalawa ng gabi. Bandang alas-10 ng gabi nang matagpuan ang duguang mga biktimang sina Marlon Balajadia at Ana Sarcia na sinasabing nakipag-inuman muna bago pinatay habang papauwi. Ayon kay PO1 Alexander Magat, posibleng love triangle ang isa sa motibo ng mga suspek.

Show comments