^

Probinsiya

Intelligence fund nasaan na? - BKBB

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Ito ang naging katanungan kahapon ng Bantay Kaban ng Bayan ng Bulacan (BKBB) kay Bulacan Governor Wilhelmino Alvarado kasabay ang hamon na iulat ang pinagkagastusan sa P100-milyong pondo nito ngayong taon.

Sa ulat ng BKBB, simula pa noong 2011 ay walang malinaw na iniulat ang  pamahalaang panlalawigan kung saan ginugol ang intelligence fund na nakalaan para sa proteksyon at pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa Bulacan.

Sa 2012 audit report na inilabas ng Commission on Audit (COA), nabunyag na walang liquidation report ang pamahalaang panlalawigan kung saan napunta ang P200 -milyong intelligence fund.

Ayon sa batas, dapat na ilaan lamang ang intelligence fund  sa mga operasyon na naglalayong puksain ang krimen, pabuya, pagsasaayos ng safehouse, pagbili ng bala, baril, pagkain sa operasyon at iba pang gawain para sa pagbibigay ng proteksyon sa mga Bulakenyo.

Hiningi ng BKB na iulat ng Pamahalaang Panlalawigan  ang pinagkagastusan ng P100-milyong pondo upang maalis ang pagdududa ng mga Bulakenyo kaugnay ng paggastos dito.

“Hindi namin alam kung sino o sinu-sino ang may hawak, kung saan-saan ginastos o ginagastos ito, kung may natitira pa ba o wala na, at sinu-sino nang opisyal o kawani ng pamahalaang panlalawigan ang nakinabang sa nasabing pondo,” dagdag ng BKB.

“Kung walang dapat itago ang pamahalaang panlalawigan tungkol sa intelligence fund, hindi rin dapat maging problema para sa kanila ang ipaliwanag sa publiko kung nasaan at ano na ang nangyari sa pondong ito,” dagdag pa ng BKB.

AYON

BANTAY KABAN

BAYAN

BULACAN

BULACAN GOVERNOR WILHELMINO ALVARADO

BULAKENYO

HININGI

KUNG

PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with