^

Probinsiya

3 nasawi sa LPA, 1 pa missing

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlo katao ang iniulat na nasawi habang isa pa ang nawawala sanhi ng Low Pressure Area (LPA) na nagdudulot ng malalakas na pag-ulan sa mga apektadong lugar sa bansa simula pa noong Agosto 30, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Kinilala ni NDRRMC Exe­cutive Director Alexander Pama, ang mga nasawi na sina Esperanza Cabanilla, 84; Richard Sumalhay, 40 at Rodencio Kailaw, 42.

Nawawala naman si Nelson Demaclid, 40, na tina­ngay naman ng umapaw na tubig sa spillway sa Brgy. Manlaoyan, Gangao Libo­nga, Bukidnon.

Naitala naman sa 803 pamilya o kabuuang 3, 770 katao ang apektado ng LPA sa 15 barangay sa lungsod ng Cagayan de Oro at mga lalawigan ng Bukidnon at Misamis Oriental.

Sa nasabing bilang ay nasa 162 pamilya o kabuuang 558 katao ang kinukupkop sa 10 evacuation centers.

Samantala, nasa 126 namang kabahayan ang nasira sanhi ng mga pagbaha at landslides sa mga apektadong lugar sa lungsod ng Cagayan gayundin sa mga probinsya ng Misamis Oriental at Bukidnon.

Patuloy naman ang pa­nawagan ng mga lokal na opisyal partikular na mula sa disaster agencies sa mamamayan na isagawa ang kaukulang pag-iingat.

BUKIDNON

DIRECTOR ALEXANDER PAMA

ESPERANZA CABANILLA

GANGAO LIBO

LOW PRESSURE AREA

MISAMIS ORIENTAL

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NELSON DEMACLID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with