Ambush: MMDA officer, grabe

MANILA, Philippines - Nasa malubhang kalagayan ang 43-anyos na opisyal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos tambangan ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Salitran 1, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. Joselito Esquivel ang biktima na si Russel  Jun Sindac, MMDA officer na nakatalaga sa Coastal Road. Bandang alas- 5:40 ng umaga nang tambangan ang biktima sa tapat ng tinitirhan nito sa Cantimbuhan Apartment.  Nabatid na ipinaparada ng biktima ang puting Nissan Urvan (PCO-926) nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng tandem. Samantala, bago ang pamamaril ay namataan na ang dalawa na animo’y may inaabangan sa nasabing lugar.

Show comments