Senglot nagwala, pinabulagta

CAMARINES NORTE  , Philippines  – Napatay ang 40-anyos na senglot na sinasabing nagwala matapos itong pagpapaluin ng kanyang kabarangay na napundi sa kayabangan sa Barangay Udoc, bayan ng Libmanan, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nagwala ang biktimang si Lino Bucay na hawak ang matalim na itak. Lingid sa kaalaman ng biktima, isang hindi pa kilalang kabarangay ang napundi sa pagwawala nito kaya isinagawa ang pamamaslang. Hindi na nagawang maisugod sa ospital ang biktima sanhi ng matinding pinsala sa katawan at ulo.

Show comments