TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Sumuko sa pulisya ang 24 anyos na amasonang political officer ng New People’s Army na sinasabing kabilang sa grupong umako sa pagpaslang kay Gonzaga Mayor Carlito Pentecostes Jr. sa bayan ng Gattaran, Cagayan kamakalawa.? Sa ulat na nakarating kay Cagayan Valley regional PNP director P/Chief Supt. Miguel Laurel, kinilala ang sumuko na si Nicki Delos Santos ng Brgy. Cumao, Gattaran at tumatayong medical at political officer ng Henry Abraham/Danilo Ben Command na nag-ooperate sa hilagang silangang Cagayan.? Sinamahan ng kanyang ama si Nicki na sumuko sa himpilan ng pulisya. Matatandaan na noong Abril 21, 2014, ipinahayag ng tagapagsalita ng grupo ng NPA na si Esther Falcon ang kanilang responsibilidad sa pagpatay kay Mayor Pentecostes habang nasa flag ceremonies sa munisipyo.