4 arestado sa loose firearms

NORTH COTABATO , Philippines   – Kalaboso ang apat-katao kabilang ang isang barangay chairman matapos makumpiskahan ng mga baril na walang kaukulang dokumento sa inilatag na checkpoint sa Lambayong Highway kaugnay sa kampanya kontra loose firearms sa Tacurong City kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni Tacurong PNP chief P/Chief Insp. Junny Buenacosa ang mga suspek na sina Chairman Ali Bicog ng Barangay Seneben, Lamabayong sa Sultan Kudarat; Martin Saikali, myembro ng Cafgu at ang mga sibilyang sina Solaiman Sumpo at Basco Sendatu. Naaresto ang mga suspek sa kahabaan ng Tacurong City–Lambayong Highway lulan ng multicab na minamaneho ni Kagawad Musa Bicog.

Show comments