DLSU student, nagbigti

CAVITE , Philippines  – Pinaniniwalaang may matinding problema sa buhay ang 17-anyos na estudyante kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Justine Paul Tayag, binata, 1st year college sa Dela Salle University, Dasmariñas at nakatira sa South Meridian Subd. Barangay Salitran 4 sa nasabing lungsod. Natagpuan ang nakabiting katawan ng biktima sa laundry area ng bahay kung saan huling namataang buhay na balisa ito mula sa eskuwelahan.

 

Show comments