Aleman nag-suicide
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Dahil umano sa may taning na ang buhay, isang German national ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti sa tinutuluyan nitong apartment sa Kimberly Apartment sa Brgy. Nursery, Masbate City kamakalawa ng madaling-araw.
Ang biktima ay kinilalang si Rolf Joseph Jeub Grabowitz, 69, hiwalay sa asawa, isang retiradong inhinyero, tubong-Germany at kasalukuyan nanunuluyan sa lugar.
Ayon sa pulisya, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-2 ng hapon na nakabigti ng nylon cord sa loob ng apartment ng isa nitong kapitbahay.
Samantalang bago ito ay nagpasuri ang biktima sa Aquinas Hospital sa Legazpi City kung saan natuklasan ng mga doktor na nagtataglay ito ng squamous cell carcinoma (nose cancer) na terminal o malubha ang kondisyon na siyang hinihinalang sanhi ng pagpapakamatay nito.
- Latest