Ambush: Mag-asawa, anak grabe

MANILA, Philippines - Nakikipaglaban kay kamatayan ang mag-asawa at anak nitong lalaki makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa bisinidad ng Tubung Street sa Barangay Kaumpumah sa Isabela City, Basilan kamakalawa ng gabi. Bandang alas-6:20 ng gabi nang ratratin ang mag-asawang Madsalih Ajik, Kasla Ajik at anak na si Dexter Ajik na pawang nakatira sa nabanggit na barangay. Sa ulat ng pulisya, pauwi na ang mga biktima  mula sa kanilang tindahan sa pampublikong pamilihan nang pagbabarilin ng gunmen. Sinisilip ng pulisya ang anggulo ng alitan sa negosyo ang isa sa motibo sa pamamaril.

Show comments