Trader itinumba ng tandem

BULACAN, Philippines  – Pinabulagta ang 45-anyos na trader makaraang ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa bahagi ng Barangay Poblacion sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng umaga. Namatay habang ginagamot sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital si Ferdinand Libarra, may negosyong pautang, may-ari ng grocery store at nakatira sa Barangay Catmon sa nasabing bayan. Sa inisyal na ulat ni PO2 Jonathan Mañacap, patungo sa kanyang tindahan sa palengke ang biktimang nagmamaneho ng Toyota van (TW-0113) nang matrapik ito. Gayon pa man, biglang sumulpot ang gunman sa harapan ng van saka niratrat ang biktima. Narekober sa crime scene ang 5-basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang nakatutok ang imbestigasyon sa anggulong may kinalaman sa negosyo ng biktima.

Show comments