MANILA, Philippines - Isa na namang terorismo ang inihasik ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang sunugin ang eroplano ng Philippine Agricultural Aviation Corporation sa bahagi ng P-4, Barangay Doña Rosario, bayan ng Tubay, Agusan Del Norte kamakalawa ng gabi. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, pinasok ng mga rebeldeng lulan ng dalawang motorsiklo ang airfield ng PAAC saka sinilaban ang nakaparadang eroplano bandang alas-7:30 ng gabi. Wala namang nagawa ang mga guawardiya ng airfield sa paghahasik ng karahasan ng mga rebelde.