‘Chikboy’ utas sa pakikipag-sex

CAMARINES NORTE, Philippines - Pinaniniwalaang nasobrahan sa matinding pakikipagtalik ang 50-anyos na mister sa kanyang kalaguyo kaya inatake sa puso at namatay sa motel sa Ba­rangay Gaongan, bayan ng Sipocot, Camarines Sur kama­kalawa ng gabi. Kinilala ng mga imbestigador ang biktimang si Jose Osio ng Barangay San Juan, bayan ng Libmanan, Camarines Sur. Sa salaysay ng kalaguyo na itinago sa pa­ngalang Vivian, 30, hiwalay, ng Barangay South Centro-Sipocot, nag-check-in sila ng biktima sa lodging house. Habang nasa kalagitnaan na ng pagtatalik, napansin ni Vivian na hindi na makapagsalita at nanlalamig ang biktima kaya binuhusan nito ng tubig at humingi ng tulong sa mga kawani ng lodging house. Sinubukang dalhin sa pagamutan subalit idineklarang patay ang biktima.

Show comments