MANILA, Philippines - Pinalaya na ng mga kidnaper ang school supervisor matapos ang 7-buwang pagkakabihag sa lalawigan ng Zamboanga del Sur kamakalawa bago maghatinggabi. Sa ulat ng Police Regional Office 9, kinilala ang pinalayang bihag na si Rudy Luna, bisor sa Kumalarang Central Elementary School. Bandang alas-11:51 ng gabi nang palayain si Luna sa bahagi ng fish port sa Tukuran kung saan naglakad ito patungo sa bahay ng kapatid na si PO2 Jun Luna. Sa tala ng pulisya, si Luna at misis nitong si Tessie na isa ring school supervisor ay lulan ng SUV nang dukutin ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Diplo noong gabi ng Enero 27. Nagawang makatakas ang misis ni Rudy habang isasakay sa pumpboat pero binihag ang nasabing mister. Pinaniniwalaang nagbayad ng P.5 milyong ransom ang pamilya ng biktima.