MANILA, Philippines – Patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa isa pang tourism student matapos anurin ng malakas na agos ng tubig sa isang ilog sa Bulacan nitong kamakalawa.
Tinutunton pa rin ng search and retrieval team si Maiko Eleva Bartolome, 25, estudyante ng Bulacan State Univesity, matapos anurin sa Madlum River.
Una nang narekober ang anim na bangkay ng mga kasamahan ni Bartolome na nakilalang sina Helena Marie Marcelo, Mickel Alcantara, Sean Rodney Alejo, Michelle Ann Rose Bonzo, Janet Rivera at Magdelene Navarro.
Bandang alas-3 ng hapon habang tumatawid sa nasabing ilog ang mga estudyante patungo sa Madlum Cave ng rumagasa ang tubig mula sa kabundukan kung saan tinangay ang mga biktima.