Sarangani tinamaan ng magnitude 4.8 na lindol

MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ngayong Miyerkules ang Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng lindol sa 86 kilometro timog-silangan ng Sarangani kaninang 1:12 ng madaling araw.

May lalim na 19 kilometro ang lindol na tectonic ang origin.

Naramdaman ang Intensity 2 sa Glan, Sarangani.

Wala namang inaasahang aftershocks, ayon sa Phivolcs.

Wala ring naitalang nasaktan sa pagyanig ng lupa.

Show comments