Totoy nahagip ng van, dedo

CAVITE, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 4-anyos na totoy matapos itong masagasaan ng  van sa kahabaan ng Governor’s Drive sa bayan ng Naic, Cavite kamakalawa. Namatay  habang ginagamot sa Naic Doctors Hospital ang biktimang si Steven Sugatan ng Barangay Muzon samantala, nasakote naman ang driver ng van na si Alvin Reyes, 38, ng Jovillar Street sa bayan ng Magallanes, Cavite. Nabatid na naglalakad ang biktima sa gilid ng kalsada sa harap ng kanilang bahay nang mahagip ng  L300 van.

Show comments