1 todas, 3 sugatan sa mishap

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines  – Isa ang namatay habang tatlo naman ang nasugatan matapos masangkot ang isang tourist bus sa national highway ng Barangay Turod, bayan ng San Juan, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Jaime Urulaza ng Barangay Makatkatud, Magsingal sa nabanggit na bayan. Sugatan naman sina Jansein Sornillo, Zaira Ocampo, mga mag-aaral sa Patts College of Aeronautics ng Pasay City; at si Antonio Guillermo, driver ng bus. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, magkasunod na nag-overtake sa sinusundang sasakyan ang motorsiklo ni Urulaza at ang tourist bus ni Guillermo nang mahagip ng bus ang motorsiklo. Sumemplang ang motorsiklo at pumailalim sa bus bago tuluyang sumadsad at bumangga naman sa konkretong poste. Kaagad namang naisugod sa Masingal Hospital ang mga sugatan habang patuloy ang imbestigasyon.

 

Show comments