6 tiklo sa buy-bust, pot session

BULACAN , Philippines  – Kalaboso ang binagsakan ng anim na sibilyan makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na drug-bust operation sa Barangay Lambakin, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng madaling-araw. Kabilang sa mga suspek na kinasuhan ay sina Larry “Bonyok” Francisco, 33; Arnel Musngi Jr., 24, asawa nitong si Azil Sofia Jobelle Glinoga, 19; Elias Labado, 25; Christopher Zapra, 35; at si Apolonio Salapare, 44, taxi driver na pawang nakatira sa Northville 4 sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating kay  P/Supt. Marcos Rivero, unang naaresto si Francisco habang ang limang iba pa ay naaktuhan sa pot session. Narekober sa mga suspek ang P10,000 halaga ng shabu, mga drug paraphernalias, digital weighing scale, tatlong pen gun at marked money.

 

Show comments