3 patay, 6 grabe sa sakuna

NORTH COTABATO , Philippines  – Tatlo-katao ang naiulat na namatay habang anim  naman ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa bahagi ng Barangay Labuo sa bayan ng President Roxas, North Cotabato noong Sabado ng gabi. Sa police report na nakarating kay Cotabato PNP spokesperson P/Senior Insp. Jojet Nicolas, kinilala ang mga namatay na sina Filimon Tayco, PhilJohn Jabonillo, at si Ryan Mendoza, mga nakatira sa Barangay Kamarahan sa nasabing bayan. Kabilang sa biktimang nasa malubhang kalagayan ay sina Joel Ynion, 39, ng Brgy. Poblacion; Junita Ja­bonilla, isang alyas Ynion, Johnny Jabonilla, 4; Chariemar Mendoza, at si Marcone Managuit ng Brgy. Kamarahan. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na sinalpok ng traysikel ang kasalubong na motorsiklo kung saan namatay ang drayber ng motorsiklo at dalawang pasahero ng trike na sina Tayco at Jabonilla.

 

Show comments