Imahe ng birhen winasak, binata kalaboso­

MANILA, Philippines - Dahil sa paglapasta­ngan sa imahe ng mahal na birhen na nagkaputul-putol matapos ihambalos, bagsak kalaboso ang isang 23-anyos na binata sa Poblacion, Godod, Zamboanga del Norte kama­kalawa.

Kinilala ang naarestong suspek na si Saturn Gonzalo Padica, residente ng Purok 3, Brgy. Poblacion ng bayang ito.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9 dakong alas-6 ng umaga kamakalawa ay nag-report sa pulisya si Carlito Dajuela, 45 anyos, Kalihim ng Parish Council sa Our Mother of Perpetual Help Church sa nasabing lugar.

Ayon kay Dajuela, la­king gulat niya ng magising kinaumagahan at makitang nagkaputul-putol ang ini­hambalos na mamahaling imahe ng mahal na birhen sa grotto  sa harapan ng na­sabing simbahan.

Ilang oras pa isang Bien­venido Bongabong, 18-anyos residente sa lugar ang nangumpisal kay Fr. Ronald Balugo, kura paroko rito na nakita niya mismo ang suspek na umano’y nasa impluwensya ng alak nang lapastanganin­ nito ang imahe­ ng mahal na birhen.

Agad namang nagsa­gawa ng hot pursuit opera­tions­ ang mga operatiba ng pulisya at nasakote ang suspek.

 

Show comments