Bala sinalo ng bulag

MANILA, Philippines - Napatay ang 56-anyos na bulag matapos itong aksidenteng mabaril ng kaaway ng isang call center agent sa Ba­rangay Lahug, Cebu City, Cebu kamakalawa. Napuruhan sa ulo si Diosdado Cimafranca Jr. habang arestado naman ng pulisya ang suspek na si Antonio Quitor Jr. Sa imbestigasyon, naganap ang insidente bandang alas-7 ng umaga habang naghihilamos ang biktima sa kanyang bahay. Sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang call center agent na si Michael Lagahit nang puntiryahin ng pamamaril ni Quitor. Gayon pa man, ang biktima ang minalas na tamaan habang si Lagahit ay binugbog naman ng mga residente at kamag-anak ng biktima sa pag-aakalang ito ang nagpaputok ng baril.

Show comments