TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - — Bulagta ang 35-anyos na negosyante at tauhan nitong sekyu matapos pagbabarilin ng isang pulis sa harapan ng beerhouse sa La Trinidad, Benguet kamakalawa ng gabi. ?
Kinilala ang mag-among napatay na sina Cesar Degay, may-ari ng bar; at Sonny Casoang Awingan, 28, security guard ni Degay sa beerhouse.
Sugatan naman ang bystander na si Raymar Casindo Copis makaraang tamaan ng ligaw na bala.
Pormal namang kinasuhan ang suspek na si PO3 Frenzel Mendoza, 29, nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa La Trinidad.
Base sa police report, lumilitaw na lumabas sa pag-aaring beerhouse si Degay para mamagitan sa naganap na rambulan nang ratratin ng suspek na sinasabing lango sa alak.
Samantala, pinagbabaril din si Awingan matapos itong sumunod sa kanyang amo sa labas ng beerhouse.
Gayon pa man, tinangkang tumakas ni PO3 Mendoza subalit nasukol ng kanyang mga kabaro.